Thursday, September 12, 2013

♫ Paglisan








Kung ang buhay ay isang
Umagang nakangiti,
At ikaw ay ang lupang
Sinusuyo ng bituin...

Di mo man silip ang langit,
Di mo man silip,
Ito'y nandirito pa rin...

Kung ang lahat ay may katapusan,
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan,
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko,
Ay pag-ibig...

Sa pagbuhos ng ulan,
Sa haplos ng hangin,
Alaala mo ay nakaukit
Sa pisngi, ng langit

Di man umihip ang hangin,
Di man umihip,
Ika'y nandirito pa rin...

Kung ang lahat ay may katapusan,
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan,
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig...

Ay pag-ibig...
Ay pag-ibig...
Ay pag-ibig...


♫ Color It Red
Album: Hand Painted Sky 1994

No comments: